Friday, September 3, 2010

Blind Items of the week!

November 8, 2009 by admin  
Filed under Pinoy Entertainment

BLIND

#1Actor pumatol sa bading?

PUMAPATOL ang isang young actor sa bading, lalo’t mapapakinabangan niya ito.
Noong kasama pa sa isang talent search show ang actor, malandi at maharot siya sa mga bading, partikular sa mga staff ng talent search.
May isang bading na staff sa show na bongga kung magdamit dahil sa mga suot nitong branded clothes and accessories.
Nakatuwaan nitong bigyan ng branded items si hunk actor gaya ng Calvin Klein at Tommy Hilfiger.
Dahil sa pagiging gene rous ng may kayang ba ding staff, naging malapit sa kanya si hunk actor.
Nag-iba ang look ni hunk actor. Naging ma mahalin ang itsura niya sa magagarang damit at accessories.
Nagkaroon ng appeal si hunk actor kaya naging crush siya ng mga kasamahan niyang babae sa talent search show.
Dahil sa mga natatanggap, hindi lang ang hunk actor ang naging malapit sa bading staff kundi pati na ang pamilya nito, partikular ang tatay nito.
Pinapayagan ni tatay na sumama si hunk actor sa bading nang walang chaperone.
Alam ng friends ni ba ding staff na may relas yon sila ni hunk actor.
Dalawang buwan tumagal ang kanilang relasyon. Unti-unti, napansin ng mga kasamahan ni bading staff na hindi na sila madalas magkasama ng hunk actor.
Nang maurirat si bading kung ano na ang nangyari sa kanila ni hunk actor, biglang umiyak si bading staff.
Kumalas kasi sa relasyon nila ang hunk actor dahil may nagsabi rito na kung gusto nitong sumikat, iwasan nitong matsismis sa mga bakla.

#2GF offended by BF’s action!

Dahil sa tagal na walang sex, nagmistulang manyak ang isang sikat at guwapong aktor sa sarili nitong girlfriend.
Matagal nang natsi tsismis na nagkakaproblema sa kanilang relas yon ang aktor at ang kanyang magandang kasintahan na kaliwa’t kanan ang commercials.
Ang madalas pag-ugatan ng kanilang problema ay ang kawalan nila ng panahon para sa isa’t isa dahil busy sila sa kani-kanyang mga trabaho.
Likas ang pagiging mainit sa sex ng aktor kaya nang minsang magkaroon sila ng pagkakataon ng kanyang kasintahan na magkasarilinan, hindi niya napigilan ang sarili.
Kinuha ni aktor ang kamay ng kasintahan niya at ipinatong sa kanyang harapan na noo’y tigas na tigas na sa galit.
Nabastusan ang kasintahan sa ginawa ng aktor.
Kahit nagse-sex na sila, feeling ni girl ay hindi nirespeto ni aktor ang kanyang pagiging babae.
Pagkatapos murahin ni girl ang boyfriend, tumayo ito at umalis.
Halos lumubog sa kina uupuan ang aktor dahil sa naramdamang hiya.

#3Newbie actor’s needs acting lessons!

Magseryoso na sana ang isang guwapo at baguhang aktor sa kanyang akting matapos siyang parusahan ng kanyang direktor sa nilalabasan niyang primetime series.
Ilang beses nang napupuna ng direktor ang kawalan ng focus ni young actor sa mga eksena.
Lagi na lang ipinapaulit ang mga eksena nito dahil hindi nito makuha ang tamang emosyon na kaila ngan sa sitwasyon.
Nade-delay minsan ang taping dahil sa paulit-ulit na pagti-take ng actor kahit laging sinasabi ng kanyang director na, “Interna lize! Feel your character!”
May mga nakakarating na ring feedback sa production ng serye tungkol sa acting ng young actor.
Minsan, ang hinihi nging emosyon sa baguhang actor ay ang pagi ging pagod at kawalan na ng lakas dahil sa pinagdaanang heartbreak sa bidang babae.
Pinagtakbo siya ni direk nang 15 minuto sa set para makaarte nang tama.
Nang mapagod na ang young actor, saka kinunan ang eksena nito. Natuwa si direk sa finished product.

#4Sexy Actress learns her lesson well!

Usap-usapan sa set ng kanyang serye ang isang malaking plastic utility box na dala-dala ng sexy actress.
Punung-puno iyon ng iba’t ibang klase ng snacks, chocolates at pagkain.
Ginagawang katatawan ang utility box ng aktres na kasinlaki ng balikbayan box dahil parang may rolling store na bitbit ang huli.
May kuwento sa aktres kaya may dala-dala siyang pagkain.
Noong bagu-bago pa ang sexy actress at walang pera, naranasan niyang magutom sa taping dahil wala siyang baon.
Breakfast, lunch at dinner lang ang inihahandang pagkain sa set ng serye nito. Hindi nagse-serve ng snacks ang TV production dahil nga naka-budget ang ginagastos ng mga ito.
Halos mahilu-hilo sa gutom ang aktres sa taping niya dahil wala siya noong pambili ng snack.
Nakikita ni aktres na kumakain ng mga dala-dala nilang snacks ang mga kasamahan niyang artista sa set.
May ilang nag-aalok at nagbibigay sa kanya pero mas marami ang pinababayaan na lang siyang tumingin habang lumulunok ang mga ito.
Kaya sinabi ni sexy star sa sarili na kapag nagkaroon siya ng pera at magsunud-sunod ang kanyang mga trabaho, hindi na niya papayagang tumanghod at mainggit sa kinakain ng mga kasama niya.
Kapag may panahon ang aktres, supermarket at grocery stores kaagad ang pinupuntahan niya para bumili ng gusto niyang snacks.
Mas inuuna niya itong bilhin kaysa damit, sapatos o accessories.
Hindi rin niya gustong gumanti sa ibang mga artista kaya kapag inilalabas niya ang kanyang dambuhalang utility box, ini-offer niya ang mga baong snacks sa co-actors at staff.
Marami ring laptop sa bahay ni sexy star. Lahat halos ng mga kasamahan niya sa bahay, ultimong katulong o alalay niya, may laptop.
Noong nauso ang laptop sa taping at wala pang ganito si sexy actress, nakisuyo siya sa kanyang co-actors sa set na kung puwede ay makigamit lang siya sandali.
Pinahiram siya ng ka samahan niyang young actress na may-ari ng laptop. Hindi pa nag-iinit ang mga kamay ni sexy actress sa keyboard ng laptop, inip na inip ang young actress. Panay pa ang puna nito sa ginagawa ni sexy actress.
Sinabi sa sarili ni sexy actress na pag nagkaroon siya ng sobrang pera, bibili siya ng laptop na mas mahal pa kaysa sa laptop ng maramot na young actress.
Mula nang magkaroon ng laptop si sexy actress, hindi siya nagkasya sa isa. Tuwing masisira ang laptop niya, kahit minor damage lang, agad siyang bumibili ng bago.
Ang ending, halos lahat ng mga kasamahan niya sa bahay ay may laptop.
Minsan, parang may internet shop sa loob ng kanyang bahay kapag sabay-sabay silang gumagamit ng laptop.

Siource: Rey Pumaloy, Abante Tonite

Popularity: 1% [?]

Related posts:

  1. Blind Item: Da Who? 2 Hunk Actors locked lips in a bar! MATAGAL nang nagsi-circulate sa showbiz ang tsismis na bading ang...
  2. Blind Item: Da Who? Sikat na actor bata ng Director dati ngayon ay TV Executive na? OLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko...
  3. Blind Item: Da who? Actress car given by ex-BF who is a Politician taken back? Actress car given by ex-BF who is a Politician taken...
  4. Blind Item: Da who? Actor-TV host, sadista sa kama? MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo?...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!