Sunday, March 14, 2010

Das who? A well known TV Personality: If you are not with her you are an enemy!

December 1, 2009 by admin  
Filed under Pinoy Entertainment

Blind 1

UNTI-UNTI NANG LUMALANTAD ang tunay na kulay ng isang sikat na personalidad. Sa libro ng kanyang buhay, kapag hindi ka niya kakampi ay kalaban ka na niya, pepersonalin ka na niya.

Nu’ng una ay bait-baitan pa ang sikat na personalidad, nanliligaw pa kasi siya. Pero kapag nalaman niyang hindi pala kabilang sa kanilang balwarte ang artista ay tinatatakan na niya ‘yun.

Matagal nang nambabraso ng mga artista ang sikat na personalidad para sumama sa kanilang kampo. Talagang naglalaan siya ng panahon para lang sa pagte-text sa mga artista at pulitikong gusto niyang makasama nila sa partido nila. Pero hindi lahat ay nakukuha niya sa kanyang pambabraso.

May mga artistang may sariling dahilan kung bakit ayaw nilang sumama sa grupo ng sikat na personalidad. May karapatan silang tumanggi, kaya napapahiya siya.

Nu’ng minsan ay tinext niya ang isang kilalang personalidad, ang sabi niya, “Ayoko na sa iyo, hindi ka sumama sa amin, good luck na lang sa iyo.”

Ang pinadalhan ng text ng sikat na personalidad ay isang aktor na tatakbo sa isang mataas na posisyon, pero hindi sumama sa kanilang kampo. Kaya malaki ang tampo niya sa naturang aktor-pulitiko.

Sabi ng mga nakakausap namin, “Bakit kailangan niyang mambraso? Karapatan na ang nakataya rito, kaya bakit niya pinanghihimasukan pati ang personal conviction ng mga artista?

“Hindi ba mas maganda kung ang mismong artista ang magsasabi sa kanya na gustong sumama sa kanila? Bakit siya nambabraso? Sapilitan na ba ang labanan ngayon?” Marakulyo ng aming kausap.

At may komento pa kaming narinig kamakailan, ang sabi, “Hindi n’yo ba napapansin, humihina na ang minamanok niya? Nu’ng una talaga, kanila ang momentum, pero habang tumatagal, bakit ganu’n na? Humihina na ang puwersa nila, marami nang naiinis, ang sikat na personalidad kaya ang reason kung bakit?”

Puwede. Maaari. Baka nga. Mismo! Korek!

Source: Cristy Fermin,Pinoyparazzi.com

Popularity: 1% [?]

Related posts:

  1. Blind Item:Da who? TV personality attended Babtismal instead of TVC shoot?! Hindi sinipot ng isang sikat na TV personality ang...
  2. Blind Item: Da who? Actress car given by ex-BF who is a Politician taken back? Actress car given by ex-BF who is a Politician taken...
  3. Blind Item:The actress who? Skin burned by beauty clinic endorsed?! KUNG mapapansin ninyo itong magandang young actress na lagi...
  4. Blind Item: Da who? Actor and Model super-babad sa kuwarto! NAUULIT ang tsismis tungkol sa pagiging ba ding ng...
  5. Blind Item: Da who? Well known actress in same-sex relationship! Confirmed ang balita na kapwa babae ang lover ng...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!