Saturday, September 4, 2010

Election Jokes!

January 19, 2010 by admin  
Filed under Pinoy Jokes, Beliefs and Superstitions

Manny Villar Jingle iniba!

Nakaligo ka na ba sa pera na marami?
Nakapagchongki ka na ba sa gitna ng kalsada?
‘Yan ang tanong namin

Tunay ka bang isa sa amin?
Nalaman mo na bang mapapag-rugby ka niya?
Tutulungan tayo para maging sindikato
At ang kanyang plano ay magnakaw tayo
Si Villar ang tunay na pahirap
Si Villar ang tunay na malaki kita
Si Villar ang may kakayahang gumawa ng sa­riling sugalan
Si Manny Villar ang maghahakot ng ating kayamanan

***

Presidential Slogan:

Kung ang slogan ni Villar ay Sipag at Tiyaga, at ang kay Gibo ay Galing at Talino, ang slogan naman daw ni Noynoy ay… Mommy, Daddy at Kris.

Popularity: 7% [?]

Related posts:

  1. Official Presidential and Vice-Presidential bets for 2010 Election! The Commission on Elections (Comelec) approved  eight presidential aspirants: Sen....
  2. “Boys Over Loren” funny pics for 2010 Election! This picture of Loren Legarda a photoshopped from the Korean...
  3. List of Celebrities Running for 2010 Election revealed! As the 2010 Election is about to begin, there are...
  4. Predictions for Noynoy Aquino Candidacy! The stars may have nothing to do with Sen. Benigno...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Comments

4 Responses to “Election Jokes!”
  1. Hustisya says:

    Guys, Villar joke tayo;

    Naloko daw ni Villar ang mga tao na wala siyang kasalanan. Naloko rin niya pati yung mga alipores niya sa senado. And by a stroke of something strange….akalain mong pati si St. Peter, naloko niya….

    So nung mamatay si Villar, akalain mong diretso siya sa langit. But then, he can not fool St. Peter all the time. So nuong malaman niya ang lahat nang pinaggagawa ni Villar sa lupa, pinalayas niya ito sa langit at pinalakad sa pagka-haba-habang daan papunta sa impiyerno.

    Syempre malugod naman siyang tinanggap ni Satanas sa impiyerno. Dahil magaling mambola, akalain mong ginawa pang kanan kamay ni Satanas si Villar sa impiyerno.

    But that was not for long. After a few days tinawagan ni Satanas si St. Peter at galit na galit. Ganito ang naging usapan njila….

    St. Peter : Teka, teka…..bat galit na galit ka?

    Satanas : *******….naisahan mo ako. @#***@@)” ! Mula nang pinadala mo rito si Manny Villar eh komonting dimonyo na nakakarating dito sa impiyerno.

    ST. PETER : Whoa…wait a minute. Wag kang mag-aakusa sa akin. Wala akong kinalaman diyan. Komonti kamo ang mga walang hiyang nakakarating sa impiyerno mula nang makarating si Villar sa impiyerno ?

    SATANAS : Oo…%^###@”"”&$ na villar yan. Pati ako inisahan.

    ST. PETER : ( Amused ) Ibig mong sabihin maraming na-convert sa kabutihan si Man-Evil-Liar ?

    SATANAS : Si Man-Evil-Liar mag-coconvert ng tao sa kabutihan. Ha-ha-ha! Eh nagdala pa nga ng 11 senador nung dumating dito.

    ST. PETER : Eh bakit nga kumonti ang mga dimonyong nakarating sa impiyerno simula nang dumating diyan si Man-Evil-Liar ?

    SATANAS : ( Napaiyak na sa sobrang inis ) Hu-hu-hu. Kasi yung pagkahabahabang daan papunta dito sa impiyerno….

    ST. PETER : O, anong nangyari sa pagka-habahabang daan papuntang impiyerno ?

    SATANAS : Pinasimento ni Villar….( hikbi )

    ST. PETER : O, e di dapat lalo kang matuwa dahil pinasimento ni Villar.

    SATANAS : Kaso, pinadaan niya sa lahat ng kanyang subdivision yung daan kaya may mga dimonyong naligaw at di nakarating dito……Waaaaaaaaa!

  2. Hustisya says:

    Mukhang serious na kayong lahat, ha? Let us make things lighter for all of us. May joke ako about Villar that I want to share with all the wonderful people of this thread

    Remember Villar’s check…check…check ? Mahilig daw talaga si Man-Evil-Liar sa mga checklist.So minsan, kausap niya ang isang contractor at kapwa sila may checklist. Syempre kailangan ma-meet yung mga “specifications” ni Villar. They were comparing notes and this is how it went;

    Contractor : ( binabasa yung checklist ) Sir…itong kalsadang ito, DUMAAN sa 23 subdivisions na pag-aari ninyo.

    Villar : ( Tinitignan yung checklist ) Check

    Contractor : Sir….kahit may ibang nakabitin na katulad na project, inuna namin ito.

    Villar : Check

    Contractor : Sir,…pinili namin ang mga properties ninyo na bilhin para maging right of way.

    VILLAR : Check

    Contractor : Sir….malaki pa overprice, sir. He-he.

    VILLAR : Check

    Contractor : ( pause…wala na kasing mabasa sa checklist )

    VILLAR : Check

    CONTRACTOR : ( Nagtataka )

    VILLAR : Check

    CONTRACTOR : ??????

    VILLAR : Check

    CONTRACTOR : Este, sir….wala na pong nakasulat sa checklist maliban sa nabasa ko, bakit check pa rin kayo ng check ?

    VILLAR : ***** ! Yung check ng overprice ko, akin na. Be sure na di tatalbog yang check na yan, ha? Bilisan mo at baka maabutan na naman tayo ni Jamby. Dali !

  3. Hustisya says:

    One more of those Villar jokes ? Di ba si Villar ang ikinabubuhay lang niya sa pulitika ay commercials. Kung walang commercials baka sa kangkungan ni Remulla pupulutin yan. In short, sobrang umaasa sa mga advertisements si Villar na LAHAT nang kinasasangkutan niya ay sa advertisement niya inasa. Here goes;

    Isang araw, habang nagpapahinga si Man-Evil-Liar sa kanyang mansion, biglang hangos sa loob yung kanyang amuyong at ang sabi;

    Amuyong : Sir…sir…sa subdivision nyo lumalangoy na ang tao sa baha.

    Villar : Bili ka commercial. Ipakita mo kunwari pool yung nilalanguyan nila.

    After a few days…..hangos na namna si amuyong;

    Amuyong : Sir…sir…Mga tao sa subdivision ninyo parang lumalangoy na sa dagat. Lalim na kasi na baha.

    Villar : Ah, walang kwenta yan. Bili ka ng commercials. Ipakita mo kunwari resort at sa dagat nagswi-swimming ang mga tao.

    After a few days uli…

    Amuyong : Sir..sir…Mga tao sa subdivision ninyo lumalangoy na sa dagat ng basura. Wala kasing drainage. Naghalo na ang bada sa basura. Nakakadiri…

    Villar : Walang kwenta yan. Bili ka ng commercials, kunwari livelihood. Me kwarta sa basura.

    After a few days pa…

    Amuyong : Sir…sir…nasa gitna na ng kalsada na natutulog ang mga tao dahil talagang di na pwedeng tirahan yung subdivision nyo.

    Villar : ( galit ) Eh di bumili ka ng commercials…sabihin mo namamasko lang sa gitna ng kalsada.

    Amuyong : Sir…sir… Pero di po pasko ngayon.

    Villar : ( Binatukan yung amuyong ) Um, g@go….di ba matagal na nating naloloko mga tao sa commercial natin ? Kung yun ngang mahirap ako eh naloko natin sila, para pasko lang…di mo sila maloko ?

  4. marylin says:

    yung slogan nila , di pa credible. yung kay noynoy, kung yan ang sinasabi ng mga kalaban nya , ang masasabi ko nababangit lang ni noynoy ang Mommy nya kasi maraming magandang example at good values na tinuro sa kanilang magkakapatid , at ganon din si Ninoy. wala silang magagawa Icon at Bayani talaga ang mga magulang nya, mamatay na lang sila sa Inggit, si Villar kawawa ang nanay ginagamit pa nya , matanda na nga, how desperate!
    Tigilan na nila si Kris , talaga lang sikat siya kaya ginagamit siya, ang di nila alam , kaming followers ni noy, alam namin at humanga kami sa di pagkunsinti ni noy kay Kris at kung gaano siya kabuting kapatid.
    ang isang campaign ni Villar na katawa-tawa, sabi nila sunod sunod sila ayaw nila sa corrupt at maling palakad ng gobyerno, sbi nung nauna kontra da w siya , sabi nung anak ni Nene: panahon pa ng tatay ko, sani ni Bongbong kontrang kontra daw siya. wahh… kanino sa pagiging diktador ng tatay nya? kakahiya sila!
    tapos pinagsama pa si willie, pacquiao, Dolphy at Villar! wahhh… ano ba yan? anong something common sa kanila Manloloko ng pamilya, Babaero , Immoral . tanong ko baka si Villar me itinatagong babae din?
    Nag sign pa sila ng check sa baba , papogi pa , na tila naglalaro at nambobola lang . Yan ang tunay na KOMEDYA!
    sa campaign manager ni Villar – PALPAK KA1 but thanks napagiisip mo kami.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!